Hong Kong 2007 (the rest of the kwento)
Day 4Lantau Island and Big Buddha
A Sunday, we thought we were gonna relax and rest our feet up. But instead, a plan was concocted to climb stairs and reach the Big Buddha statue in Lantau Island. Parang di pa nagsasawa sa kakalakad nung isang araw hay... Naabutan pa ng ulan, Signal No. 1 ang weather sa HK sa araw na ito at gusto pa namin mamasyal. Rak on!
Ang reward naman sa dulo eh nakita namin ang Mall na puro Outlets ang laman!!! Lahat ng stores sa Mall na to ay puro Outlets!!! Shopping galore ulit kami bago umuwi ng bahay. hehe
Day 5
Last day nila Shine at Dawn kaya shopping na lang
Dapat mago-ocean park kami sa araw na ito, kaso sobrang bad weather, sayang ang punta namin dun kung di kami makakasakay ng Cable Car at nung Hot Air Balloon. Kaya, ang ginawa na lang namin ay, nag-shopping na lang ulit sa Hunghom, Whampoa. Aliw ang mga stores dito, may plastic sila sa labas ng store nila para dun mo ilagay yung mga basang payong para di mabasa yung floor sa loob ng store. Sa sobrang aliw namin sa mga plastic na un eh kumuha kami ng maraming plastic na yun! hahahaha mga pinoy talga... hehe
Day 6
Central Shopping Galore!
Di ulit tuloy sa Ocean Park kasi maulan pa din at uuwi na din ang kapatid ko sa araw na to. Agenda for the day, shopping sa Central! Ni-recommend kasi ni Ate Cecil(isang relative ng pinsan ko dun) na mas maganda mag-shopping sa Central. Tumpak nga ang sabi nya! Pang-pinoy taste ang shopping sa Central! Mas marami akong nabili dito kesa sa Nathan Road at mas mura pa ang mga bilihin dito compared sa Nathan Road. At mas maraming tiangge din dito. Sabi nga ng mga pinsan ko, bilhin mo na yan, pagdating mo sa Pinas eh magsisisi ka na di mo binili yan. Tama nga naman sila, no regrets dapat ang pag-shopping kasi once in a lifetime experience lang ang HK namin na magkakasama kami. Nakita din namin ang Jollibee at Little Quiapo sa Central!
Repulse Bay
Day 7
Lantern Festival
Di ulit natuloy sa Ocean Park kasi holiday sa Hongkong sa araw na to, at pag holiday sa Hongkong eh maraming tao sa Ocean Park, masasayang lang daw oras namin kapipila dun at mahal din ang entrance pag holiday. Kaya, ang ginawang agenda for the day ay pumunta sa Repulse Bay!!! Di ko akalaing may beach pala sa HK, akala ko kasi puro buildings lang sila dun. In fairness, maganda na din ang beach nila at malinis. At dito lang ako nakakita ng beach na may mga istatwa sa dulo nya. So di lang kami naglakad-lakad ulit nadagdagan pa ng umitim kami sa tindi ng init. Hayz... Pagkatapos nun eh onting shopping ulit sa Central, pinakita naman ni Ate Cecil yung Prize Mart Store kung san mga whole sale na chocolates ang mabibili!!! Ang mura ng Ferrero Rocher dito grabe!!! Kahit mabigat sya dalhin eh bili pa din ako kasi sayang!!! Chocolates!!!! Bwahahahhahahaha
Day 8
Ocean Park sa wakas!
Last day na namin sa HK at magO-Ocean Park na daw kami. Not too excited to go ako nito kasi nakapunta na ko dito dati at pagod na ko maglakad. Pero para di naman ako masabihang KJ eh go na din kahit papano. Tsaka totoo nga ang mga kwento na pag matagal na kayong magkakasama ng mga tao (mapa-relatives or friends or strangers man) sa isang maliit na lugar eh they will really get on your nerves!!! Medyo mainitin na ang ulo ng mga kasama ko, lalo na ako. hehe Ggrrr...
Nothing spectacular to tell sa Ocean Park experience, dapat di pumunta dito pag last day nyo na, kasi lalo lang kayong mabibitin. At dahil sa sobrang stress namin eh pagdating sa bahay at last minute na impake eh walang kibuan dun, tahimik na nagi-impake ang lahat. Weird! Para kaming nalulungkot sa pag-alis namin sa nakapa-gastos na pamasahe sa public rides nila at sa shopping galore stores lalo na pag weekends at holidays.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home