Tara! Coffee tayo!
Yan ang unang plan for the night namin nila Jhie, Nikks at Beng (ala si Kendz kasi she's so far away, ayaw kasi lumipat sa may Makati lang hehehe). Kaso Jhie suggested a KTV joint na medyo matino naman daw. Matino, meaning, hindi tig-5 or 10 bawat song at nasa loob ng room dapat. Eh di go na nga kami sa idea na yun, kantahan kasi eh. In fairness pagdating sa KTV na un, cheap naman sya at may mga latest songs sa playlist, yun nga lang may bilyaran na kasama at medyo pumasa lang ang food. Pero kung hanap mo lang eh todo kanta at booze na mura, this is the place!So ang balak eh kantahan lang ng konti at palipas oras lang sandali kasi nga Sunday night naman kasi yun diba?! May pasok kinabukasan. So ayun, kanta lang kami ng mga love songs muna, kaso itong si Jinky eh umorder ng beer, bucket pa ha! San Mig Strong Ice pa ang special request. Jusmiyo! Isip ko tuloy, sige kahit isa lang, pwede na yun.
Kaso dinaan ang gabi sa pakanta-kanta ng mga nakaka-relate at masasaya! Ayun tuloy, di namin namalayan ang oras at isip namin na madaling araw na at medyo nakakarami na ata ng inom. Bwahahahahahaha At may drama pang nangyari at inabutan pa kami ng closing ng place. Ang saya! Kaso syempre bago umalis eh hindi pwedeng matapos ang videoke session ng hindi kinakanta ang theme songs na "That's What Friends are For" at ang walang kamatayang "Count on Me" na in Whitney character pa dapat syempre.
After a few hours of deep sleep, ayun.. hilo pa din ako.. kelangan bumangon kasi kelangan umattend ng aking PT session at papasok pa sa opisina kahit na may slight hangover (Shhhhhhhh.. wag nyo ko sumbong hehehe). Jusmiyo.. tama ba yun?! Ako ba ito?! Why am I doing this? (Naks, another Why question yun ah, may kasagutan din ba ito?)
Lessons learned: (1) Mag-coffee kung magco-coffee! Wala ng iba! (2) Wag uminom ng madami pag Sunday night at (3) Wag ng pumasok pag may hangover pa! hehehe
5 Comments:
wushu!!! at may lessons learned pa daw talaga... alam ko, nag-enjoy ka! i could tell! next week ulit. =P
wala bang picture si Nikks ng naka-ayos yun buhok? di ko nakita yun after-salon look nya na Kyla-ish...
it's nice to see Beng in the picture again.
jhie, hahahaha oo naman. enjoy maging bangag paminsan-minsan. at bagong experience ang maging bangag on a sunday night. rak on!
donish, hayaan mo papadalhan kita ng pic nun. hehe
no, not RAK ON, tabel! RACK 'EM UP!!!! hehehe. =)
bwahahahhha!!!!! payat ko sa pic na toh!!!!
ganda na saya pa!!!!!!
~nikks~
Post a Comment
<< Home