Closing Time
Kainis talga! Shifting na naman kami sa opisina ngayon. Simula bukas eh iba na ang oras ng trabaho ko. Sakto pa talga sa unang anibersaryo ko sa kompanya. (Ayuz! Sarap magdiwang ah!) At syempre pa ako yung magtr-trabaho sa gabi. Kung dati gustong-gusto ko yung pasok sa gabi kasi ang laki ng natitipid ko, ngayon ayaw ko na ng kahit anong shift dahil mas nakakatipid ako ngayon pag regular working hours.Pag morning shift kasi matitipid ko lang eh konti sa parking at konti sa pagkain. Mas mura kasi ang pagkain sa umaga kesa sa tanghalian at mas nakakabusog pa ang agahan no. Yun nga lang eh gigising ako ng super-aga.
Pag evening shift naman eh medyo malaki natitipid ko sa parking at onti sa food. Konting oras lang kasi eh pwede na ko makakuha ng free parking sa gilid. Sa pagkain naman eh pwedeng mag-tinapay na lang ako. At ang pinaka-maganda dito eh di ko kelangan magising ng maaga.
Kaso mula nung nadiskubre ko yung regular hour commute ko eh walang-wala itong mga natitipid ko sa shifts na to. Walang-wala talga. Kahit anong adjust ko sa allowance ko sa mga shifts na yan eh panalo pa din ang regular hours. Nakaka-badtrip talga. Parang mas ok pa tuloy yung night shift, kaso ayaw ko naman kasama yung mga moomoo sa opisina namin no.
Pero syempre bilang isang responsableng empleyado(Huwahahahaha natawa ako dun ah) eh wala akong magagawa kundi gawin yang shifting na yan para matapos lang ang trabaho. Binibigyan ko lang sarili ko ng onting oras para magreklamo at ilabas tong kainisan para pagkatapos eh magtigil na sa kaiinisan at makapagtrabaho ng maayos. Sana di lumampas ng isang buwan to. Tapos!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home