Wednesday, August 02, 2006

Sukob

Hindi talga ako mahilig manuod ng mga pelikulang Tagalog. Siguro mabibilang ko lang sa mga kamay ko yung mga pelikulang Tagalog na napanuod ko sa sinehan. Unang-una kasi, nanghihinayang ako sa pera ko kasi pare-pareho lang naman istorya ng mga yan, recycled/copied stories ba. Pangalawa, eh yung acting ng mga ibang astista eh hindi moving, para lang kasi silang tumutula at mga bato sa screens. Pangatlo, bihira lang magkaron ng magagandang pelikulang Tagalog, as in once in a blue moon lang.

Pero pag magkaron naman ng magandang pelikulang Tagalog eh may mga dahilan din ako para mapanuod yun. Unang-una, required sa school panuorin (sana pati pambayad sa sinehan eh sagot ng school nun). Pangalawa, nilibre ako sa panunuod ng pelikula na yon(libre naman eh, so sige nuod na lang). Pangatlo, marami ng nagsasabi na maganda at kakaiba nga daw ang pelikula (sulit daw ang bayad at lahat ng kilala mo na nakapanuod na ng pelikulang yun eh puro yun na lang ang pinag-uusapan).

Kaya eto, dahil sa pangatlong rason na yan kaya ako napanuod bigla ng pelikulang "Sukob". Pelikula nila Kris Aquino at Claudine Barreto na nasa direksyon ni Chino Roño. Tungkol ito sa pamahiin ng mga Pilipino na malas magpakasal ng sabay o magkasunod ang magkapatid sa loob ng isang taon. Mag-aagaw daw ang malas at swerte sa magkapatid. Ang isa ay mamalasin at ang isa naman daw ay su-swertehin. Kaya obligasyon daw ng kapatid na sinuwerte na tulungan ang kapatid na minalas. Pero sa pelikulang ito ay walang sinuwerte at iba ang ibig sabihin ng malas.

Maganda ang istorya ng pelikula, di mo akalain na magiging ganon ang takbo nya, unpredictable ba. Bihira lang ang ganong pelikulang Pilipino ha! Pero bandang dulo eh medyo alam mo na kung ano mangyayari, ayos lang diba? Kasi sa dulo lang sya naging predictable. Kahit na may isang eksena dun na parang Sadako ang dating, eh patatawarin mo na din. Nagulat ka naman kahit papano. hehehe Pero as usual, iilan lang ang nagbigay ng magandang performance sa acting. Eto ay sina, Ronaldo Valdez, Boots Anson Roa, Claudine Barreto (pwera lang yung crying scenes nya, crocodile tears pa din hanggang ngayon eh, di ko feel yung pag-iyak nya), at yung multong Bride (hehehe, convincing syang multo eh).

Ha? Ano kamo? Ba't wala si Kris Aquino sa listahan? Kasi magaling na Host si Kris at dun na lang sya mag-concentrate. Gets mo na? Buti naman kung ganon. Balik na tayo sa movie ha.

Ang isa pang medyo di ko nagustuhan sa pelikula eh yung pagpaparehas ni Wendell Ramos at Kris Aquino at Bernard Palanca at Claudine Barreto bilang mag-asawa. Walang chemistry whatsoever. Di mo ramdam na in-love sila sa isa't-isa at mag-asawa pa. Pwede pa siguro kela Bernard at Claudine, merong isang eksena na ramdam mo na mag-asawa sila (dahil mas angat yung acting ni Claudine sa eksena na yun nadala nya si Bernard), pero di pa din sila bagay eh. hehehe

Sa pangkalahatan eh ire-rekomenda kong panuorin nyo ang pelikulang ito, yun nga lang eh kung hilig nyo ang horror/suspense movies. Maganda sya, wag nyo na lang pansinin ang acting ng iba, concentrate na lang kayo sa istorya at sa multong Bride at maaliw kayo.

Isang babala nga lang, wag nyong panuorin to sa gabi o bago kayo matulog, kasi baka bangungutin kayo sa pagtulog gaya ng nangyari sa akin. Tigas kasi ng ulo ko, di na kasi ako natuto sa "The Ring" na pelikula. Lecheng Sadako yan...