Friday, May 11, 2007

Tagged by Christiane :-D

Instructions: Each player starts with 7 random facts/habits about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don’t forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!

My Seven Things

1. Back in my senior year in Highschool, my barkada and I started a girl band. I was the keyboardist since I knew how to play the piano back then. We already had one song composed, too bad though we didn't push through with it as it took us a long time to practice one song. Our priority was more on school work and not on music plus we had a busy sched on our senior year. I think the name of our band was Psyche.
2. I don't like going to the gym but I do love to play any athletic sports.
3. I'm a romantic at heart and I cry easily.
4. I don't know how to haggle the price of something I want to buy in a market or tiangge store.
5. I dream of owning my own island.
6. I don't enjoy massages. It hurts when I get a massage, I don't even feel relaxed after getting one.
7. My good friend Weng instantly thought of a date on when she thinks I will get married. It's on May 14, 2008. (Good luck talga sa akin!!!)

Thursday, May 03, 2007

Hi ho! Hi ho! To Baguio we will go...

Night 1 - The Loooooooooooonnnggggg Drive
The day of our team outing finally came. I was nervous because it's my first time to drive to Baguio na walang karelyebo sa pag-drive. Imagine, more than 6 hours of non-stop driving at sa night pa! From 10:30 PM to 6:00 AM, ako lang ang nag-drive mula Makati, EDSA, NLEX, Tarlac, Pangasinan, Kennon Road at finally sa Baguio! Whew! I was so happy and relieved nung nakarating na kami sa bahay. Tuwang-tuwa ako sa achievement na yun kaya ang reward ko sa sarili ko nun eh matulog agad pagdating. hehehe Buti na lang may free entertainment ako sa mga pasahero ko na sila Fang and Axel, they really kept me awake with their neverending controversial at kahindik-hindik na stories, I never felt sleepy while driving to Baguio. Nag-umpisa ang biyahe sa EDSA na nakapa-traffic on a Friday night at 10:30 PM!!! Ang masama pa nito eh nagpahatid pa kasi yung Nigerian na may-ari kuno ng ni-rent namin na van sa Robinson's Galleria. Syempre hinatid namin sya dun kasi iniisip namin na baka bigyan kami ng discount sa pagmamagandang-loob naming ihatid sya dun... yun pala malaman-laman namin na ni-rent din pala nya yung van at di sya yung totoong may-ari! Hayup talga yung negrong yun... naisahan na kami, na-traffic pa kami ng dahil sa mga mababagal na bus na nag-aantay sa wala sa EDSA. Kung kelan talga nagmamadali ka saka pa mangyayari yung ganito... tsk tsk tsk

van riders and me
Anyway, next stop is daanan si Axel sa may Balintawak at magkita sa first gas station sa NLEX. Sa wakas ay nahimasmasan ang aking anxiety sa traffic dahil sa NLEX ang sarap mag-drive, tuloy-tuloy at mabilis pa! hehehe So far so good naman ang biyahe pagkatapos ng NLEX, daming kwento ng dalawa sa akin. Ni hindi ko nga napansin na nakalampas na pala kami sa Tarlac. Stop ulit kami sa isang gas station sa Pangasinan, kwentuhan sandali, stretch ng legs at mag-kape. Mga magaalas-kwatro na ata ng madaling araw yun at ang sabi ng mga locals dun eh sandali na lang daw biyahe namin at nasa Baguio na kami. Excited na kong matapos itong pagdr-drive ko! hehehe

Pagkaalis namin sa gas station na yun eh parang nag-iba ang mundo naming tatlo sa kotse. May checkpoint pa kaming nadaanan na chineck pa ng mga sundalo o pulis mga gamit namin sa loob ng kotse. Siguro nagtaka din mga yun na bakit babae yung nagmamaneho at dalawang lalaki ang pasareho ko. hehehe Buti nga di pinaghinalaan si Axel na mukhang goon. hehehe Yung dinaanan namin ay parang liblib na lugar na, napakadilim ng daan at buwan lang ang ilaw namin, walang mga bahay sa paligid, walang sasakyan sa harap o sa likod namin. Medyo natakot na ko dito kasi madilim nga at baka biglang harangin sasakyan namin ng kung sino. Tuwang-tuwa nga kami pag may nakikita kaming ilaw sa daan akala namin kotse na, yun pala tricycle. Relief din pag may nakikita kaming signage papuntang Baguio, kasi ibig sabihin nun tama pa din dinadaanan namin.

Pinabasa ko tuloy kay Axel yung directions na dala ko papuntang Baguio, kasi may naalala ako dun na may sinasabing alternate route to Baguio pero wag daw dadaan dun kasi mas malayo at mas mahaba ang travel time at ok lang dumaan dun kung may araw. So yun nga, nalaman namin na alternate route pala yun, hay... lecheng signage yun.
Wow! Can you see Forrest Gump?

After nun nagkasalubong din ang daan namin at nagkita-kita kami ulit sa isang gas station na bordering Benguet na. Hinintay talga nila kami kasi baka malito kami ulit sa daan kasi aakyat na kami sa Kennon Road papuntang Baguio. Kinabahan ako ulit dito kasi zigzag yung daan at madilim pa. First ito baby!!!! hehehe Exciting din naman pala ang Kennon, dinahan-dahan lang naming tatlo kasi mga puyat at pagod na. Sayang nga lang at di namin ma-enjoy yung view sa Kennon nun. Pero sa wakas ay nakarating na din kami sa tutuluyan namin. Binigay ko na yung susi ng kotse kay Fang para sila na magbaba ng gamit dun at ako'y naghanap na ng kama at kinalimutan ko muna sila. Hayzzzz...

Day 1 - Wright Park, The Mansion, Botanical Garden, SM Baguio, Camp John Hay, Burnham Park, Infamous Palengke
Wright Park
After 3 hours of sleep, my friends woke me up because it was time to go sight-seeing in Baguio! First stop was Wright Park, lots of horses here, brown, white, black and pink! The smell of horse poop was quite strong. The stench alone made us wanna go back inside the van. So we just took pictures with the horses and went our way.

Can you see the pink horsie?


the pine 'n me

Hala Angie! Anong ginagawa mo? Lagot ka kay Joel!

The Mansion
We just took lotsa pics here. That's all we could do anyway. Nagkantahan din ng "team" song habang nagsisight-seeing sa park. Ang kantang yun ay yung kanta sa PCSO!!! bwahahahahaha si Axel kasi walang ibang kinanta kundi yan lang. Lahat tuloy kami LSS dyan sa lecheng kanta na yan. The song goes a little something like this...

Ikaw ang kandungan ng nangangailangan
Ikaw ang pag-asa at kinabukasan
Haplos mo ang lunas sa bawat pagal
Salamat sa iyong dampi ng pagmamahal
PCSO PCSO PCSO

Salamat Axel at kabisado ko na ang kantang to! At salamat Angie sa kakaibang tono ng P-C-S-O! Nakakaloka!

tropang IST



one, two, ready.. jump! ay mali... naka-zoom pala



I hold The Mansion in my hand

The Botanical Garden
It's my first time to see this place. The guys already warned us about the lolas and lolos at the entrance. You see, when you take your picture at the entrance, the lolas and the lolos there will be the picture no matter what and they will ask money for that. Even if you don't intend to include them, they will still insist to be in the picture. It's like they own that space. Axel went on ahead to take a video of the front for documentary purposes thinking that a videocam doesn't cover their fee. Axel was dead wrong. After taking a few second clip, a lola approached him and asked for Thirty pesos for that clip he shot. We were laughing so hard when the lola kept insisting that he pay the amount or else. Here we started imagining what if Axel insisted that he will not pay for that video clip: (1) The lola would kiss him, as in french pa with tonsils! Eewwww (2) The lola would call all her apos or tribu and they would come down from the trees and get the Thirty pesos from Axel or (3) she would curse him. In short, there is no escaping the lola so just pay the damn amount. hehehe

Lots of pictures were taken here also. It was already lunch time so we speeded up our tour at the Botanical Garden. We all met up at the van. It was taking a long time for the others to go back to the van so we called them up and told them that we were getting hungry and we have to have lunch already. As it turns out they were having their sketches drawn by locals that's why they were taking so long. When they got back to the van, we viewed the sketches and some looked like them while some looked like Julie Vega and Mary Walters as Axel was joking about it.

SM Baguio
I know.. I know.. of all the places there why did we have to go to a mall. That's because our lunch was on a budget and fast food is always cheaper than the local restaurants there. So we had our lunch at Gerry's Grill. Nothing interesting here except the view at the mall.


SISIG!!!!




Inihaw na pusit!!!

Camp John Hay
While the others rode the bump cars and had their merienda, Cheli, Vic and I played mini-golf. I didn't think it would be fun hitting that small ball on to that small hole, susprisingly though I was a little good at it. Now, I'm thinking if I would take this sport up with my Dad. hehehe

Mini-golf anyone?



Cheers! Nakup! Mainit ang tsokolate.

Burnham Park
We parked nearby, looked at the soccer field and the lake with boats. Then we proceeded to...

Infamous Palengke
Time to buy pasalubong. They said that everything here was cheap. As for me, I don't know the difference because I don't know how to buy stuff in a palengke. Anyway, the others enjoyed it. They bought a lot! As in A LOT!!!

NIGHT 2 - Dinner at 11 PM at kantahan na!!!
I helped in preparing dinner. I peeled and sliced the sayote and I cleaned the green beans. I cooked the soup and prepared the dinner table. Grabe achivement talga! Wag lang malalaman ng nanay ko na ginawa ko yan kasi pagagawin sa akin yan sa bahay. mwehehehehhe

After kumain at mag-binge (hehehe) kasi nalipasan na ng gutom, kantahan na!!! I introduced to the guys yung game na nilalaro namin dati nila Donish sa pad nya. Four members sa isang team, at bawat isa ay kakanta ng isang English song, isang OPM song, song na pinili ng kalaban nila, at random song(up to 3 selections only). Nung una, ang consequence sa matatalo ay iinom ng isang shot ng Bailey's. Kaso nga lang yung ibang members na maarte ay ayaw uminom, kaya ang naisip na lang ng grupo ay pagsuotin ng bra ang boys na ayaw uminom (with matching pic at video ito) at magsuot ng brief ang mga girls na ayaw uminom. Nung nalaman ang consequence na to, level up na ang performance!!!! Riot talga!!! Bawal ilabas ang pics eh so hanggang imagination na lang. Pero ang nanalo sa game na to ay mga girls!!! Bwahahahahahahaha


OMG!!! Is that Sayote I'm peeling?!



Explaining sa madlang tao the rules 'n consequences of the game. Makinig KASI!


DAY 2 - Strawberry Farm, A Rainy Mine's View, Lion's Head, Babush guys!
Strawberry Farm
Medyo late na nakaalis ng bahay kaya konting shopping at sight-seeing lang dito. Kumain ng din dirty ice cream.

Ice cream kayo dyan!!!


Mine's View
Umulan ng malakas kaya sobrang traffic papunta dito. Nagmamadali na din papuntang bahay kasi maglu-lunch pa kami at magi-impake ng gamit. Last picture taking sa bahay ni Kuya!


SPOT THE DIFFERENCE #1:

Woo!



Hoo!

Lion's Head
Sumunod na lang kami sa kanila kasi pinuntahan muna namin yung tutuluyan namin nila Doths at Angie kasi nagpaiwan kami dun. Mahirap pag di mo alam ang mga daanan sa Baguio, mawawala ka talga at nalaman pa naming may number coding din pala dun.

Pagkatapos nito eh goodbye na sa mga kasama namin. Uwi na silang Maynila, kitakits na lang sa office.

SPOT THE DIFFERENCE #2:

Waz!

Zup!

NIGHT 3 - Tuna sandwich and Pancit Canton for dinner
Yan ang dinner naming tatlo. hehehe Wala na kasing resident cook at ayaw namin bumili na sa fast food kaya yan na lang kinain namin, tutal late lunch naman kami at we're on a diet na din. hihihi

Nanuod ng PBB, na-witness ang pagwawala ng isang housemate. Nanuod din ng King Kong sa HBO. Nalama ko din na ang lakas magulat ni Angie at ang lakas sumigaw ha!

Sa wakas, 8 hours of sleep.

DAY 3 - Palengke ulit, Burnham Park, Solibao, Mine's View, Good Sheperd, Adieu Baguio
Sa haba ng tulog namin eh di na kami pumasyal masyado sa Baguio. Tsaka isa pa, baka mawala lang kami eh gahol pa kami sa oras kaya namalengke na lang kami, bumili ng mga murang gulay at pasalubong ulit. Nag-ikot sa Burnham Park ng kaunti at kumain din sa native restaurant sa Baguio. Medyo may kamahalan pero nakabawi naman sa sarap ng pagkain nila. Tapos, dumaan kami sandali sa Mine's View at Good Sheperd at nag-impake na. Ciao Baguio! Sa uulitin!

Malaala mo Kaya... Take 1... Action!


Naalala ko pa ang aso kong si Berty. Masaya kami nun.. kaya lang..



kelangan kong umalis at pumunta sa bulubundukin..



at mamitas ng mga pagkarami-raming bulaklak.


Driving Home
Proud ako sa mga pasahero ko pauwi ng Maynila. Di sila natulog o naidlip man lang, pano kasi nabusog sila sa mga controversial at kahindik-hindik na mga kwento. hahahahahaha




Konti na lang tatawa na si Angie... Yiheee!!!

Sana nga maulit yung team outing namin na to at sana medyo matagal ng konti para di masyado nakakapagod. Masaya sya lalo na kung riot din mga kasama mo.